PAGIBIG HOUSE FOR SALE

Pag-ibig Rent to Own Houses in Cavite Philippines

(+63) 908 884 7387 (Smart)

September 26, 2017

Search More

Our Blog

Daang Hari-SLEX road binuksan na!

Posted on July 31, 2015 by Sunria Realty in News & Updates

Pinangunahan ni Pa­­ngulong Aquino ang inagurasyon ng bagong bukas na toll road na nagkokonekta sa South Luzon Expressway at Cavite kahapon ng umaga.

Mapapabilis na ang biyahe ng mga residente mula sa Las Piñas, Cavite, Laguna at Muntinlupa sa Daang Hari road-MC Expressway.

Mismong ang Pa­ngulo ang nagmaneho ng kanyang sasakyan na dumaan sa toll booth at inabutan ng card ng teller. Ito ang kauna-una­hang PPP project na natapos sa ilalim ng Aquino admi­nistration.

Sinabi ni DPWH Sec. Rogelio Singson na mababawasan ng 45 minuto ang biyahe ng mga motorista at inaasahang makakatulong sa pagbawas ng traffic congestion sa SLEX.

Naglaan ng P2.2-B investment ang Ayala Corp sa nasabing proyekto.

Ang Ayala Corp.ang mag-ooperate at magmamantine ng 4-kms MCX toll road sa loob ng 30 taon.

Samantala, sinabi ni Noel Kintanar ng Ayala Corp, tinatayang 10-million liters ng fuel ang nauubos habang 23-million manhours ang nasasayang dahil umaabot sa 1.3-kilometers ang trapik sa umaga sa Las Piñas at Muntinlupa city.

Sa paggamit ng MCX, P400-million ang matitipid at 1.3-billion pesos ng manhour ang hindi na masasayang ng mga residente ng Muntinlupa at Cavite.

Nagpasalamat naman ang mag-amang dating Senate Pres. Manny Villar at Cong. Mark Villar sa pagbubukas ng Daang Hari road dahil malaking ginhawa ito sa mga mamamayan ng Las Piñas, Muntinlupa, Cavite at Laguna.

Readmore . . .  http://www.philstar.com/


0 comments

Comments are closed.