PAGIBIG HOUSE FOR SALE

Pag-ibig Rent to Own Houses in Cavite Philippines

(+63) 908 884 7387 (Smart)

December 12, 2017

Search More

Our Blog

MAS MARAMING PABAHAY SA REHIYON ANG PINONDOHAN NG PAG-IBIG

Posted on April 5, 2017 by Sunria Realty in News & Updates

Lalong lumago ang programang pabahay ng Pag-IBIG Fund sa mga rehiyon noong
2016, makaraang magpahiram ang ahensiya ng P30.1 bilyon halaga ng housing loans
sa mga miyembro nito sa mga probinsya.

Ayon kay Pag-IBIG Officer-in-Charge na si Acmad Rizaldy P. Moti, may kabuuang
P57.3 bilyon na housing loans ang napahiram ng Pag-IBIG noong nakaraang taon sa
buong bansa, at 53% nito o P30 bilyon ay natala sa mga rehiyon.

Sinabi din ni Moti, na tatlong sunod-sunod na taon nang nahihigitan ng mga opisina sa
rehiyon ang National Capital Region o NCR sa halaga ng housing loan releases. Noong
2014 ay mas mataas ng halos P500 milyon ang halagang napahiram sa rehiyon
kumpara sa sa NCR. Mas lamang naman ng P3.2 bilyon ang housing loan releases sa
rehiyon kumpara sa NCR noong 2015; at mas mataas ng P2.9 bilyon ang halaga ng
napahiram sa rehiyon kumpara sa NCR noong 2016.

“Halos 36,000 miyembro ng Pag-IBIG mula sa mga probinsya ang nagmamay-ari na
ngayon ng bahay dahil sa mas pinasiglang programa sa pabahay ng Pag-IBIG,” dagdag
ni Moti.

Batay sa datos ng ahensiya, P16.7 bilyon ang halaga ng housing loans ang napahiram
ng Luzon offices ng Pag-IBIG, katumbas ng pagpapatayo ng 20,121 housing units
noong 2016. Ang Visayas offices ay nakapagpatala ng halagang P6.7 bilyon halaga ng
housing loans para sa pagpapatayo ng 7,814 housing units; samantalang ang
Mindanao branches ay nakapag-pahiram ng halagang P6.6 bilyon na housing loan para
sa 7,427 housing units.

“Isa itong magandang kaganapan, dahil sa matagal-tagal ding panahon ay palagiang
nangingibabaw ang NCR offices sa housing loan portfolio ng Pag-IBIG. Naniniwala ako
na ang pagdami ng mga miyembro sa mga rehiyon na humihiram para sa pabahay, ay
isang magandang indikasyon ng isang masaganang ekomiya,” sabi ni Moti.

“Nangangako kami, na kung saan mayroong pangangailangan sa pabahay, ay naroon
ang Pag-IBIG Fund upang tumugon at magbigay ng pagkakataon para sa lahat ng
miyembro na magkaroon ng sariling bahay,” pagtatapos ni Moti.

Readmore . . . www.pagibigfund.gov.ph/newsevents


0 comments

Comments are closed.